Puspusan na ang paglilibot ng mga meat inspectors ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa mga pamilihan sa kanilang nasasakupan.
Ito’y upang bantayan kung may nakalulusot na mga baboy na ibinebenta sa pamilihan kahit apektado ang mga ito ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nabatid na nagmula sa Barangay Bagong Silangan ang nasa 11 patay na baboy na nakuha at nagpositibo sa ASF.
Kaya naman iginiit nito, hindi dapat magkaroon ng babuyan sa kanilang lungsod lalo’t isa ang Quezon City sa mga tinaguriang highly urbanized area sa ilalim ng National Capital Region.
Halos lahat naman ng barangay, walang [babuyan], e, pero may mga 13 yata na barangay na may mga babuyan, at ‘yan ang ngayon ay ina-identify natin at talagang gagawa tayo ng marahas na hakbang dahil hindi pwedeng magspread ang flu dito sa ating pagkain at sa ating mga mamamayan,” ani Belmonte.
Kasunod nito, ikinukonsidera na rin ng alkalde ang plano ng Department of Agriculture (DA) na isailalim sa depopulation ang mga alaga ng backyard hog raisers kung kinakailangan.
Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakaa-alerto upang bantayan kung may nakalulusot na mga baboy na ibinebenta sa pamilihan kahit apektado ang mga ito ng African Swine Fever (ASF) | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/wVjAPWc0NO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 16, 2019
Maaaring ganoon na nga ang magiging hakbang (depopulation), pending my complete and full study of the situation ay maaaring humantong sa ganoon nga ang ating mga desisyon, pero, again, ito ay pinag-aaralan pa natin sa kasalukuyan,” ani Belmonte.
Gayunman, tiniyak ni Belmonte na hindi nila pababayaan ang mga apektadong magbababoy at maglalaan sila ng karampatang ayuda para tulungan ang mga ito.