Labing isa (11) ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng isang eroplano sa hilagang bahagi ng Tanzania.
Ayon sa kumpaniyang coastal aviation na siyang may-ari ng bumagsak na eroplano, bumibiyahe ang isang cessna caravan plane sa kagubatang sakop ng silangang Africa nang mangyari ang insidente.
Bumagsak ang naturang eroplano sa crater area ng Empakaai lulan ang sampung pasahero gayundin ang piloto nito.
Gayunman, tumanggi muna ang mga awtoridad sa Tanzania na isapubliko ang pangalan ng mga nasawi hanggang sa maipaalam na nila sa pamilya ng mga ito ang nangyari.