Labing-isa ang patay habang nasa limampu ang sugatan sa pagtama ng mga missile sa Kurdistan region, Iraq.
Bumagsak ang mga missile sa headquarters ng Kurdistan democratic party at democratic party of Iranian Kurdistan sa bayan ng Koya, na kapwa ilang dekada nang nananawagan ng otonomiya mula sa Iran at Iraq.
Kapwa isinisi ng mga naturang separtist group ang pag-atake sa Iran.
Ito na ang pinaka-matinding pag-atake sa headquarters ng mga nabanggit na grupo simula pa noong 1996.