Binasura ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo laban sa 11 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) taong 2019.
Ito’y matapos maghainng kaso ang ilang regional officer ng philhealth na pinatawan ng suspensiyon at inilipat ng assignment noong 2017 hanggang 2019.
Ayon sa Ombudsman, hindi tinanggap ang ipinataw na kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magpapatunay na guilty ang mga akusado sa abuse of authority pati na rin sa graft at corruption.
Inabsuweltosa mga kaso ang 11 matataas na opisyal, ito ay ang mga sumusunod:
- Dating PhilHealth acting president roy ferrer
- Dating interim President Celestina Ma. Jude Dela Serna
- Chief operating officer Ruben John Basa
- Management Services Sector Senior Vice President (SVP) Dennis Mas
- Vice president for Corporate Affairs Group Shirley Domingo
- Office of the senior vice president, legal sector SVP Rodolfo Del Rosario Jr.
- Chief of staff Raul Dominic Badilla
- Health finance policy sector SVP Israel Pargas
- Angelito Grande
- Lawrence Mijares
- At acting senior manager of the Operations Audit Department Leila Tuazon