Balik-Pilipinas na ang 11 Filipino seafarers na lulan ng M-V true confidence na inatake ng rebeldeng Houthi.
Ayon sa Department of Migrant Workers, kabilang sa mga tripulanteng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang seafarer na bahagyang nasugatan.
Sinalubong ang 11 Pilipino nina Congressman Ron Salo, Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac, Health Secretary Teodoro Herbosa, at Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega.
Tatanggap ang mga nabanggit na tripulante ng medical at physical check-up mula sa department of health, P5,000 tulong pinansyal mula sa DMW comprehensive reintegration support, P20, 000 pangkabuhayan, scholarship, at training voucher mula TESDA.
Kaugnay nito, kabilang ang 11 Filipino repatriate sa 15 filipino crew ng MV true confidence na tinamaan ng missile malapit sa port of Aden. – sa panunulat ni Charles Laureta