Humarap na sa preliminary investigation ng DOJ o Department of Justice ang 11 pulis Caloocan na unang pinangalanan ng PAO o Public Attorney’s Office .
Kabilang sila sa 12 unang tinukoy ng PAO bilang mga karagdagang respondents sa pagpatay di umano kay Kian Loyd delos Santos sa isinagawang anti-illegal drugs operations nuong Agosto 16.
Kasunod nito, iginiit ng mga naturang pulis sa inihian nilang joint counter affidavit na dapat mabasura ang kasong murder na isinampa laban sa kanila dahil wala sila nuong ikasa ang operasyon.
Kasama sa mga nagsumite ng kanilang salaysay sina PO2 Arnel Canezares, PO2 Fernan Cano, PO2 Diony Corpuz, PO1 Silverio Garcia Jr, PO1 Rossillini Lorenzo, PO1 Christian Joy Aguilar at PO1 Myrldon Yagi .
Gayundin sina PO1 Reynaldo Dan Blanco Jr, PO1 Erwin Romeroso, PO1 Ceferino Paculan at PO1 Ferdinand Claro habang wala naman si PO1 Ronald Herrera kaya’t hindi nito napanumpaan ang kaniyang kontra salaysay.