Iniimbestigahan na ang 11 opisyal ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) na inireklamo ng mga kadete sa Colegio De Kidapawan.
Batay sa reklamo, pinakain umano ang mga kadete ng iisang kendi at pinagamit ng iisang face mask ng mga ROTC officers.
Umamin naman ang ROTC officers sa kanilang ginawa at handang panagutan ang paglabag sa Anti Hazing Law at IATF Protocols.
Ayon kay ROTC Commandant Staff Sergrant Hernando Maria Santiago, isasailalim sa RT-PCR test ang mga nagreklamong kadete.