Pinakikilos na rin ng Philippine Coast Guard ang kanilang District Units sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y para tumulong sa paghahanap sa 18 tripolante ng lumubog na M/V Starlite Atlantic sa kasagsagan ng bagyong Nina sa lalawigan ng Batangas.
Kasunod nito, inalerto na rin ng Coast Guard ang mga Marino na maging mapagmatyag sakaling madaan sila sa lugar na pinaglubugan ng M/V Starlite.
Ayon kay Commander Raul Belesario, pinuno ng Coast Guard Station sa Batangas, umabot na sa Quezon ang kanilang search operations sa nakalipas na 4 na araw.
Nabatid na ang 11 sa 18 nawawalang tripolante ng lumubog na barko ay pawang mga On the Job Trainees o OJT’s.
By: Jaymark Dagala