Patay ang 11 bagong silang na sanggol sa sunog na naganap sa isang ospital sa kapitolyo ng Iraq.
Ayon kay Ahmed Al-Roudaini tagapagsalita ng Iraq Health Ministry, nagsimulang sumiklab ang apoy sa maternity ward ng Yarmouk Hospital sa Western Baghdad.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na electrical short ciruit ang naging dahilan ng sunog.
Suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng mga nasa pre-term birth o mga premature na sanggol.
Kaugnay nito ay agad naman pinalipat ang halos 30 iba pang babaeng pasyente at pitong mga sanggol sa ibang ospital.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AFP