Handa na si Senador Richard Gordon na iprisinta sa Lunes ang committee report na nagsusulong na ibaba sa 12 mula sa 15 taong gulang ang criminal liability.
Ayon kay Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, 11 senador na ang pumirma sa nasabing committee report na bahagi ng Senate Bill 2198 at inihanda ng kaniyang komite gayundin ng mga komite ng finance at women, children, family relations ang gender equality.
#BASAHIN: 11 senator lumagda na sa committee report na naglalayong ibaba sa dose anyos ang minimum age of criminal responsibility. | via @blcb pic.twitter.com/6zjZRcJTCv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 30, 2019
Nakasaad sa nasabing report na hindi pananagutin ang isang batang 12 anyos pababa na nakagawa ng krimen bagama’t isasailalim ito sa isang intervention program.
Bukod kay Gordon, lumagda sa report sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senador JV Ejercito, Francis Escudero, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao at Cynthia Villar.