Nailibing na ang labing isang (11) sibilyan na nasawi sa Marawi Siege.
Ang labing isang labi ay kabilang sa dalawampung (20) naunang dinala sa Campin Funeral Homes sa Iligan City noong Mayo 23.
Nagpasya na ang crisis management committee na ipalibing ang mga labi makaraang walang kumilala at mag-claim sa mga namatay.
Sinagot na rin ng crisis committee ang gastos sa pagpapalibing sa Dalipuga Cemetery.
Kinuhanan na lamang ng DNA ang mga labi upang magamit sakaling dumating ang panahong may maghanap ng kanilang mga kaanak.
By Len Aguirre