Sugatan ang labing isang (11) sundalo makaraang makabakbakan ang tropa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul Sulu kaninang umaga.
Ang mga sugatang sundalo ay pawang mga kasapi ng 10th Infantry Battalion na nakabase sa Patikul.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. General Cirilito Sobejana, isa sa mga nasugatang sundalo ang nasa kritikal na kondisyon at inaasahang ililipad patungong Zamboanga City anumang oras ngayong araw.
Sinasabing kagagaling lamang ng mga sundalo sa kanilang detachment sakay ng military truck nang bigla silang tambangan ng Abu Sayyaf.
By Ralph Obina
11 sundalo sugatan matapos makasagupa ang Abu Sayyaf sa Sulu was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882