Labing-isa na ang nasugatang sundalo matapos makipag-sagupaan sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Ayon kay 1st Lt. Catherine Hapin, information officer ng 7th infantry division, pawang mga miyembro ng 84th infantry battalion ang nasugatang sundalo kung saan tatlo sa mga ito ang may malalang tama.
Sa kabila nito, isa ang nalagas mula sa kalaban pero hindi narekober ng militar ang labi nito.
Narekober naman mula sa napatay na rebelde ang isang granada, M16 assault rifle, medical kits at ilang dokumento.