Patay ang 11 taong gulang na bata matapos madaganan ng steel railing sa may P. Burgos Street sa Cebu City.
Batay sa ulat, nagtitinda ng kandila ang bata kasama ang kaniyang nanay nang mangyari ang insidente.
Nakaupo umano ang bata nang bigla itong bagsakan ng railings.
Samantala, isa namang limang taong gulang na batang babae ang natagpuang patay sa isang creek sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Marie Claire Abad na huli umanong nakitang buhay noong Lunes ng hapon.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng naturang bata.