Absuwelto sa kaso sa Malaysia ang 11 sa 27 tauhan ni Sultan Kiram kaugnay sa naganap na pananakop umano noon sa Lahad Datu noong Pebrero 2013.
Sa report na ipinarating ng Philippine Embassy sa Malaysia sa department of Foreign Affairs, walang matibay na ebidensiya na mag-uugnay sa kasong terorismo sa 11 tauhan ni Sultan Kiram.
Matatandaang inaresto at kinasuhan ang 27 miyembro ng royal security force sa Malaysia matapos lusubin ng mga tauhan ni Sultan Kiram ang isla para bawiin umano ito sa Malaysia.
Kinasuhan ang mga ito ng terorismo at paglulunsad ng digmaan laban sa hari ng Malaysia.
By: Aileen Taliping (patrol 23)