Namatay ang nasa 110 katao sa naganap pag-atake ng Boko Haram Jihadist group sa hilagang silangan ng Nigeria.
Sa ginawang imbestigayon ng mga Nigerian authority, lumalabas na naunang tinarget ng mga armadong grupo ang mga magsasaka na nakatira sa Koshobe sa Maidurugi.
Ayon sa mga awtoridad, tinatarget ang mga magsasaka dahil sa paniwalang espiya ang mga ito ng militar at pamahalaan makaraang muling pasimulan ang naunsyaming eleksyon sa Nigeria.
Bukod sa higit 100 nasawi dahil sa marahas na pag-atake, sugatan din ang 6 na katao, 8 ang nawawala habang napaulat ding may mga babaeng bihag ang mga ito.
Dahil dito, agad na kinondena ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang pag-atake at sinabing sugatan ang damdamin ng buong bansa dahil sa walang saysay na nangyayaring patayan.