Papalo na sa 10,000 hanggang 11,000 ang posibleng maging bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buwang ito.
Ito, ayon kay Dr Guido David, fellow ng OCTA Research Group, ang panibagong pagtaya nila matapos tumaas sa 2.03 ang reproduction rate o bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Ipinabatid ni David na nagsimula ang outbreak sa Pasay, Malabon at Navotas at kumalat na sa iba pang lugar sa Metro Manila na nakapagtatala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 habang ang mga kaso sa tatlong original locations ay unti-unting bumabagal.
Marami aniyang lugar sa Metro Manila ang may pagtaas sa kaso ng COVID-19 na malapit na sa antas na nakita noong Agosto 2020.
Sinabi ni david na nagkarOon din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila tulad ng Rizal, Cavite at Bulacan samantalang bumababa ang kaso sa Cebu City.
Una nang tinaya ng OCTA Research Group ang 8,000 hanggang 9,000 bagong kaso na maitatala ngayong buwan.