Kabilang ang 111 mga bata sa 143 na nagpositibo sa COVID-19 sa Gentle hands Orphanage sa Quezon City.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, 168 katao ang nanunuluyan sa bahay-ampunan.
Una nang sinabi ng Alkalde na 122 indibidwal ang nagpositibo sa virus, kabilang ang 99 na mga bata.
Sa nasabing bilang ng mga batang tinamaan ng COVID-19, 51 dito ay edad dalawa hanggang 10 taong gulang, at 48 naman ay edad 11 hanggang 18-anyos, habang ang 23 katao naman ay mga adult.
Kaugnay nito, nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng mga gamot, vitamins, hygiene kits, face masks, alcohol, at food packs sa gentlehands orphanage.
Inatasan rin ni Belmonte ang City Epidemiology and Surveillance o CESU na i-monitor ang kalagayan ng mga pasyente.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico