Kinuha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang serbisyo ng mahigit 111 komadrona o midwives para tumulong bilang frontliners laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay BARMM health minister na si Dr. Suffrullah Dipatuan, ipakakalat ang mga nanumpang midwives sa mga liblib na lugar partikular sa mga island provinces sa rehiyon.
73 sa mga ito ang ipakakalat sa lalawigan ng Maguindanao, 38 sa Basilan lalo na sa Lamitan City.
Target ng BARMM ayon kay Dipatuan na mabigyan ng isang health worker ang bawat komunidad nang sa gayon ay mapangalagaan ang mga residente nito mula sa banta ng COVID-19.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Ehsan Paudac, pinuno ng midwife sa bawat komunidad sa BARMM na bawat batch na kanilang ipakakalat ay makatatanggap ng P10,000 emergency relief assitance alloance bilang tulong.