Nakapagtala ang Phivolcs ng hindi bababa sa 113 volcanic tremors o pagyanig sa bulkang taal sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa Phivolcs, tumatagal ang pagyanig ng isa hanggang 34 na minuto.
Higit na marami naman ang naturang bilang kumpara sa naitalang 69 na tremor episodes na may tagal na isang minuto hanggang mahigit isang oras, kahapon.
Patuloy din ang mahinang paglabas ng usok sa mga lagusan mula sa main crater ng Bulkang Taal.
Dahil dito nananatiling nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Taal na nangangahulugang posible pa ring mangyari ang steam-driven o phreatic explosion, volcanic earthquakes, mahihinang ashfall at paglalabas ng mapanganib na volcanic gas.