Itinanggi ni dating Pangulong Fidel Ramos na siya ang nagbigay ng listahan ng mga drug personality kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ni Ramos sa post script ng isang artikulong inilathala ng pahayagang Manila Bulletin noong Sabado.
Ayon sa naturang post script, binisita ni Ramos si Pangulong Duterte sa Davao nang apat na beses kung saan nagbigay umano ito ng listahan ng mga drug lord.
Samantala, iginiit mismo ng Pangulo na hindi nagmula kay Ramos ang pinanghahawakan nitong narco list.
By: Avee Devierte