Nasa 116 na empleyado ng Office of Civil Defense o OCD Central Office ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Deputy Spokesperson Mark Timbal.
Aniya, sa nasabing bilang 80% dito ang asymptomatic.
Sinabi pa ni Timbal na agad na nailipat sa quarantine facility ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Ayon pa kay Timbal, noong 24 ng Agosto, una nang nagpostibo ang higit 100 tauhan ng OCD kaya umabot na ito sa 220.
Mayroong 380 personnel ang OCD Central Office.