116 na Drug Enforcement Officers o DEO ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang sasailalim sa halos 3 linggong supported drug units training.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Arturo Cacdac, layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman sa fundamental combat, medical training, ambush reaction at firearms training ang mga deo na itatalaga sa pdea regional office-ARMM.
Ang implementasyon ng training program ay ilulunsad sa tulong ng joint inter-agency task force West na inisponsoran ng U.S. Drug Enforcement Administration Manila Country Office.
By: Drew Nacino