Mino monitor ng Department of Health ang kondisyon ng limang kaanak ng Beinte Dos anyos na babaeng nag positibo sa Zika Virus sa Cebu City
Ayon sa DOH wala namang sintomas ng Zika ang mga nasabing kaanak subalit kinuhanan na nila ng blood samples ang mga ito para na rin matiyak na walang infection ang mga ito
Sinabi ni DOH Region 7 director Jaime Bernadas na maayos na ang kalusugan ng babaeng una nang nag positibo sa Zika Virus na ikalawa nang naitala sa rehiyon
Kasabay nito inihayag ni Bernadas na dapat maalarma sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue
Kasunod ito nang naireport na mahigit 12,000 kaso ng Dengue mula January hanggang September 3 sa Central Visayas region
Mahigit isandaan sa mga biktima sa nasabing bilang ay nasawi
Bukod sa Dengue at Zika virus mahigpit ding binabantayan ng DOH ang mga kaso ng Chikungunya na dala rin ng Aedes Aegpti Mosquito
By: Judith Larino