Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. na ngayo’y Pangasinan Representative at dalawa pang opisyal ng naturang lalawigan dahil sa maling pagkakadawit sa kanila sa illegal drug matrix.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga miyembro ng media sa lugar ng pinaghihinalaang shabu laboratory sa Arayat, Pampanga, inamin nito na may nakita siyang ilang gaps sa mga impormasyong umano’y nag-uugnay kina Espino, provincial administrator Rafael Baraan, at Provincial Board Member Raul Sison.
Inihayag ni Pangulong Duterte na naging padalus-dalos sila sa pagka-countercheck ng unang report.
Kaya naman, nais ng Pangulo na humingi ng paumanhin kina Espino, Sison, at Baraan.
By: Avee Devierte