Nakatanggap na ng kanilang sahod ang tinatayang 1,192 students at out-of-school youths’ para sa 20-day work na pinasukan nila sa mga lokal na pamahalaan sa Surigao del Norte.
Ayon kay Ms. Anya Sollano ng Department of Labor and Employment-Caraga Region o DOLE-13 information office, mahigit limang libong piso ang nakuha bawat isa ng mga estudyante sa ilalim ng Special Program for Employment of Students o SPES ng ahensya.
Sa kabuuang bilang mga benepisyaryo, 298 ay mula sa anim na bayan sa Siargao Island, partikular sa Del Carmen, San Isidro, San Benito, Pilar, Santa Monica, at Pilar.