Nakatakdang sibakin o tanggalan ng trabaho ang 11,000 mula sa 87,000 empleyado ng Facebook Meta company.
Ito ang inanunsiyo ng American Business Magnate at Facebook Meta CEO Mark Zuckerberg, matapos ang hindi inaasahang pagbagsak ng kalagayan ng kanilang kumpaniya dahil sa matinding kompetisyon nito mula sa ibang social media platforms partikular na ang Tiktok app.
Ayon kay Zuckerberg, makatatanggap ng email ang mga mawawalan ng trabaho kasunod ng matatanggap nilang benepisyo at separation pay na doble sa kanilang sahod para sa 16 na linggo o katumbas ng apat na buwang sahod para sa kada taon na paninilbihan ng mga ito sa kanilang kumpaniya.
Sa kabila nito, humingi ng paumanhin si Zuckerberg sa mga masisibak na empleyado.