Umabot na sa mahigit 11M sako ng palay ang nabili ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka sa buong bansa.
Ayon kay NFA administrator Judy Carol Dansal, naabot na ng ahensiya ang 80% target nito sa pagbili ng palay sa magsasaka lalo na ngayong main crop.
Ang nasabing mga palay ay binili ng NFA sa mga magsasaka mula sa Central Luzon, Southern tagalog at Cagayan Valley regions.
Kaugnay nito, hinikayat ni Dansal ang mga magsasaka na dalhin ang kanilang mga ani sa 642 buying stations sa iba’t-ibang panig ng bansa.