Isinusulong ng Israeli Health Officials ang pagbabakuna sa edad 12-15 laban sa COVID-19 sa nasabing bansa.
Ito’y matapos maitala ang bagong outbreak ng nasabing sakit dahil sa mas nakahahawang Delta Variant.
Ayon sa datos ng Health Ministry, ang pagbugso ng COVID-19 infections na natala sa dalawang paaralan nitong nakaraang linggo ay nakabahagi sa pagtaas ng daily positivity rate mula sa average na 0.1 percent hanggang 0.3 percent nitong sabado at 0.6 percent nitong lunes.
Pinalawak din ng Israel ang mga maaring mabakunahan nitong nakalipas na buwan kasama ang mga adolescents.