Maaari nang mabakunahan kontra COVID-19 ang 12 hanggang 17 taong gulang na may comorbidity.
Ayon kay Testing Czar at Deputy Chief Implementer of the National Action plan against COVID-19 Secretary Vince Dizon, Pfizer vaccine ang ituturok sa mga kabataang ito.
Para naman sa mga magulang na nais na mabakunahan ang kanilang mga anak ay kinakailangan muna kumonsulta sa mga eksperto.
Ang naturang hakbang ay dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 delta variant sa bansa.
Paliwanag pa ni dizon na naglabas na ng Emergency Use Authorization ang Food and Drug Administration o FDA sa Pfizer na pwede na mabakunahan ang 12 hanggang 17 taong gulang na may comorbidity.
Giit pa ni Dizon kailangang i-prayoridad ng pamahalaan ang paglalaan ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19.