Pumapalo na sa 12.56-M pinoys ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa gitna na rin ito nang pagpapabilis ng vaccine roll-out para mapigil na kumalat partikular ang Delta variant ng Coronavirus.
Ayon sa National Task Force Against COVID 19, hanggang nitong Agosto 15 ay nasa 27,806,881 doses na ang nabigay kabilang na ang first at second dose o maging ang single dose vaccine.
Nasa 15,241,864 ang nakatanggap na ng first dose.
Ipinabatid ng task force na pumapalo sa 475,304 ang doses na naibigan araw araw sa nakalipas na pitong araw.
Tiwala naman ang Malakanyang na 50% ng populasyon ng Metro Manila ang nabakunahan na hanggang Agosto 20, huling araw nang pagpapatupad ng ECQ sa NCR.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang hanggang sa 70-M pinoys bago matapos ang taong ito.