Patay ang isang 12-anyos na dalagita habang sugatan naman ang kanyang ina matapos sumabog ang isang bomba sa Lamitan City, Basilan.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Saibi Haddalun at isinugod naman sa pagamutan ang ina nito na si Neneng Haddalun.
Sa imbestigasyon, nangunguha ng ‘root crops’ ang mag-ina nang sumambulat ang bomba sa tabi ng kalsada sa barangay Sabong.
Hinihinalang kagagawan ng Abu Sayyaf ang pag-atake upang malihis ang atensiyon ng mga sundalo na tumutugis sa kanila sa mga kabundukan sa bayan ng Sumisip.
By Jelbert Perdez