Labing dalawang bagong tulay ang target na maitayo ng DPWH o Department of Public Works and Highways sa Metro Manila upang makabawas sa matinding trapik gayundin sa pang araw – araw na kalbaryo ng mga pasahero.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, ilalagay ang mga tulay sa ibabaw ng Pasig River na magdudugtong sa hilaga at katimugang bahagi ng Metro Manila at pinaglaanan ng mahigit 100 Bilyong Pisong pondo mula sa mahigit 400 Bilyong Pisong budget ng ahensya para sa taong ito.
Giit ni Villar, aabot sa 2.4 na bilyong Piso ang nalulugi sa bansa araw-araw dahil sa matinding trapik batay na rin sa ginawang pag-aaral ng JICA o Japan International Cooperation Agency.
Kabilang sa mga nakalinyang proyekto ay ang North Luzon Expressway Harbor Link at NLEX-SLEX Connector Road na siyang magdurugtong mula hilaga at katimugang Luzon na hindi na dumaraan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tulad ng EDSA at C-5.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
12 Bagong tulay itatayo ng pamahalaan sa Metro Manila ng DPWH was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882