Kapwa idineklara ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP NOLCOM) at ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) – Northern Luzon ng Philippine National Police (PNP) na insurgency free na ang may 12 barangay sa Mt. Province.
Kabilang dito ang mga Barangay ng Dalican, Guina-ang, at Mainit sa bayan ng Bontoc; ang mga Barangay ng Aguid, Fedilisan, Madongo, Bangaan, Pide at Angkileng sa Sagada gayundin ang Brgy. Balintaugan, Bagnen Proper at Bagnen Oriente sa Bauko.
Pinangunahan nila AFP NOLCOM Deputy Commander B/Gen. Andrew Costelo at PNP Deputy Director for DIPO Northern Luzon P/MGen. Domingo Cabillan ang paglagda sa joint declaration sa isinagawang Area Clearing Validation Committee Meeting.
Maliban sa paglaya ng 12 barangay sa naturang lalawigan, nalansag na rin ng Pamahalaan ang 3 grupong kaalyado ng mga rebeldeng Komunista.
Pinapurihan naman ng pamunuan ng militar at pulisya ang tagumpay na ito ng pamahalaan dahil sa pagkakaisa ng mga Sundalo, Pulis at mamamayan na siyang dahilan kaya’t tuluyan nang umatras ang mga kalaban ng estado. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)