Idineklara ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines at ng Directorate for Integrated Police Operations – Northern Luzon ng Philippine National Police na insurgency free na ang may 12 barangay sa Mountain Province.
Kasama dito ang mga barangay ng Dalican, Guina-Ang, at mainit sa bayan ng Bontoc; ang mga barangay ng Aguid, Fedilisan, Madongo, Bangaan, Pide at Angkileng sa Sagada gayundin ang brgy. Balintaugan, Bagnen proper at Bagnen Oriente sa Bauko.
Pinangunahan nila AFP NOLCOM Deputy Commander Brigader General Andrew Costelo at PNP Deputy Director for DIPO Northern Luzon Police Major General Domingo Cabillan ang paglagda sa joint declaration sa isinagawang area clearing validation committee meeting.
Bukod sa pagkalaya, nalansag na rin ng pamahalaan ang tatlong grupong kaalyado ng mga rebeldeng komunista
Ikinatuwa naman ng pamunuan ng militar at pulisya ang tagumpay na ito ng pamahalaan bungang pagkakaisa ng kasundaluhan, pulis at mamamayan natuluyang nakapagpaatras sa mga kalaban ng estado.