Mahigpit nang binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 ‘hotly contested’ na bayan sa Maguindanao na nakakapagtala ng karahasan ngayong elesyon.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, bagama’t hindi pa ganoon kalala ang karahasan sa lugar, kabilang na ito sa areas of concern ng Comelec.
Sa oras na lumala ang sitwasyon, ilalagay ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Comelec.
Una rito, inilagay na ng Ban on Firearms and Security Concerns, Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur sa pangangasiwa ng Comelec.
Dahil ito sa naitalang pagkasawi kung saan isinasangkot ang kamag-anak ng mayoral candidates sa Malabang at election-related incidents sa Tubaran.