Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na magiging operational na ang 12 coronavirus disease 2019 (COVID-19) refrigeration units ng lungsod simula sa Araw ng mga Puso o ika-14 ng Pebrero.
Sa isang pahayag, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para masiguro ang kaligtasan ng bawat residente nito.
Paliwanag ni Moreno, may buhay na nakasalalay sa bawat bakunang hawak ng lungsod.
Mababatid na sa ngayon ay dumating na sa Sta. Ana Hospital sa lungsod ang tatlong karagdagang vaccine freezer nito.
Sa huli, binigyang diin ni Moreno na hindi sila titigil hangga’t hindi natatapos ang kanilang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19.