Arestado ang 12 suspek na mahigit isang taon nang pinaghahanap hinggil sa pagkamatay ng isang estudyante sa umano’y hazing ng fraternity sa Sorsogon noong 2020.
Kinilala ang mga naaresto na sina Mar Charnel Fajardo, 22-anyos; Arman Bunyi Jr., 23; Arvin Nuñez, 25; Ronnel Balaguer, 25; Johnson Gealone, 26; Runy Gerero, 35; Remdrant Gerolao, 34; Reniel Guran, 32; Archie Dipon, 43-anyos; Ronmark Godala, 24; Billy Bertania, 31 at Ulysses Berania, 29-anyos, na pawang mga residente ng Bulan, Sorsogon.
Itinuturing silang top 10 most wanted personalities ng region 5 na may nakalabas na warrant noon pang Agosto 2020.
Pebrero 2020 nang masawi ang 23-anyos na criminology student na si Omer Despabiladeras dahil sa pinagdaanang initiation rites.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa anti-hazing law.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico