Tuloy pa rin ang operasyon ng 12 E-Sabong websites sa Pilipinas sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang Online talpakan.
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime group spokesperson, Lt. Michelle Sabino, dalawa sa E-Sabong websites ay nakarehistro sa Pilipinas habang 10 ang offshore o hindi rehistrado.
Nagkalat sa Facebook ang websites na ito para sa promosyon na nag-aalok ng iba’t ibang Online games tulad ng E-sabong.
Noong Mayo 16, anim na E-Sabong websites ang unang nadiskubre ng PNP na nag o-operate pa rin pero hindi pa matukoy ang administrator nito.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sa Facebook, PAGCOR at DICT ang PNP upang i-take down ang 12 websites.