Itutuloy na ng 12 mga government laboratories ang pagsasagawa ng swab test para sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW)’s sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y makaraang ihinto ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagsasagawa ng testing dahil sa utang ng PhilHealth.
Ayon sa Transportation department, tiniyak ng pamahalaan na magpapatuloy ang ginagawang libreng swab testing sa mga OFW’s na nagbabalik bansa.
Ito ang tala ng mga laboratoryong magsasagawa ng swab test:
- Lung Center of the Philippines,
- Philippine Genome Hospital,
- PNP Crime Laboratory,
- San Lazaro Hospital,
- Sta. Ana Hospital,
- UP National Institute for Health,
- Dr. Jose N. Reyes Memorial Hospital,
- Jose B. Lingad Memorial Hospital,
- Las Piñas General Hospital,
- Ospital ng Imus,
- Research Institute for Tropical Medicine (RITM),
- Philippine Children’s Medical Center,
- at, Central Visayas Molecular Laboratory.
Aabot sa 3,000 samples ang kayang maproseso ng mga laboratoryo kada araw.
Sa datos, higit 21,000 na mga OFW’s na ang natulungan ng government laboratories para sa kanilang swab testing at agad din nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Samantala, siniguro ng Transportation department na nagtutulungan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para lalo pang mapaganda ang paghahatid serbisyo publiko ng one-stop-shop (OSS).