Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang hindi bababa sa 12 home antigen test kits para sa COVID-19.
Ayon kay FDA Officer-In-Charge Oscar Gutierrez, marami pa silang hinihintay sa Research Intitute for Tropical Medicine (RITM).
Batay sa inilabas na datos ng regulatory body, ang self-administered test kits ay mayroong 83% hanggang 97.5% na sensitivity at 99.5% hanggang 100% na specificity.
Ani ni Guttierrez, walang COVID-19 vaccine manufacturer ang nag-apply para sa booster shots ng mga bata.
Siniguro naman ni Guttierez na nakikipagtulungan sila sa mga kasama nilang mga vaccine experts.