Arestado ang 12 indibidwal matapos makuhanan ng 3 milyong pisong halaga ng marijuana sa Benguet at Kalinga.
Ayon sa Police Regional Office-Cordillera Regional Operations Division, ang Baguio City Police Office ang may pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may anim na drug personalities na sinundan ng Apayao Provincial Police Office (PPO) at Benguet PPO na may tig-dalawang naaresto at Abra PPO at Kalinga PPO na may tig-iisang inaresto sa isang linggong anti-illegal drug operation.
Nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operation ang kabuuang 18.19 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P123, 692.
Bukod pa diyan, nakumpiska din ang mahigit isanglibong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,108; 4,350 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P870,000; limang libong piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P600,000; 8,500 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng 1.7 million pesos at 1,000 gramo ng marijuana seeds na nagkakahalaga ng P25,000.
Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.