Labing dalawang (12) kaso ng karahasan ang iniimbestigahan na ng Philippine National Police o PNP kung may kaugnayan sa eleksyon.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, hanggang nitong February 9 ay isa pa lamang ang napatunayan nilang may kaugnayan sa eleksyon samantalang 6 ang napatunayang hindi naman election-related violence.
Nilinaw ni Mayor na hindi otomatikong ibibinilang bilang election related ang isang insidente ng karahasan kahit pa opisyal ng gobyerno ang sangkot.
“Hindi siya automatic, ang nangyari doon ay iimbestigahan muna, may validation pa yan, may proseso yun, suspected muna ang gagawin natin doon but again pag hindi siya pumasa doon sa parameters na pinapairal ng proseso ng PNP then hindi siya maco-consider, kaya nga may mga insidenteng ganun na involved ang elected government official but again as per validation, maco-consider siyang non-election related incident.” Pahayag ni Mayor.
Bagaao incident
Tiniyak naman ng Philippine National Police ang benepisyo ng mga nasawi at nasugatang mga pulis sa pananambang ng New People’s Army o NPA sa Bagaao, Cagayan.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, mismong si DILG Secretary Mel Senen Sarmiento ang nagtungo ng Baggao para ipagkaloob ang sugatang magiting medals sa pamilya ng mga nasawing pulis at inirekomenda ang posthumous promotion para sa mga ito.
Binigyang diin ni Mayor na ang insidenteng ito ay magpapatunay na ayaw ng NPA na makarating sa taongbayan ang serbisyo ng gobyerno.
Sinunog anya ng NPA ang mga equipment na ginagamit sa paggagawa ng irigasyon sa Barangay Sta. Maria Baggao Cagayan at inambush ang mga pulis na rumesponde sa lugar.
“Kaya nga nagre-reach out tayo sa ating mga kababayan na nagkaroon ng maunlad na pamumuhay doon sa mga lugar nila, at despite of that sila pa mismo ang nagsisimula ng karahasan ditto sa mga proyekto ng pamahalaan, ano man ang gawin nating paghain s akanila ng peace process sila din ang nag-iinitiate ng mga karahasan para hindi poi to matuloy.” Ani Mayor.
Una rito, bago pa man makarating sa lugar ang mga rumespondeng pulis ay pinasabugan na sila ng grenade launcher ng mga NPA.
Anim ang agad na nasawi samantalang 15 ang sugatan.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas