Patay ang 12 katao matapos makawala ang mga hayop mula sa isang zoo sa Tbilisi, Georgia.
Pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa umanong mga tao ang idineklarang missing o nawawala.
Ayon kay Prime Minister Irakli Garibashvili, nakawala ang mga leon, tigre, oso at iba pang wild animals matapos bumaha dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Dahil dito, pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahanan upang hindi mabiktima ng mga nakawalang hayop.
By Jelbert Perdez