Hindi bababa sa 12 katao ang patay sa isang hostage drama sa loob ng isang hotel sa Mali.
Kabilang sa mga nasawi ang 5 hinihinalang terorista, 5 sundalo at 2 sibilyan na pawang Amerikano.
Tinitingnan naman ng mga otoridad ang posibilidad na isang Russian ang nagbibigay ng impormasyon mula sa loob ng hotel sa mga hinihinalang suspek sa pag-atake.
Samantala, inaasahan naman na madaragdagan pa ang bilang nga mga nasawi habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.
By Mariboy Ysibido