Patay ang labing dalawa (12) katao sa naranasang matinding pagbaha sa Southwestern France.
Ayon sa ulat, umabot ng walong oras ang magdamag na pag-ulan kung saan katumbas na ito ang average rainfall sa loob ng pitong buwan.
Pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Trebes matapos na umapaw ang dalawang ilog doon.
Dahil sa insidente, ipinagpaliban muna ni French President Emmanuel Macron ang balasahan sa kanyang gabinete upang matiyak na hindi mababalam ang serbisyo sa mga naapektuhang residente.
—-