Aabot sa 12 katao ang nasawi habang mahigit 100 indibidwal ang sugatan sa naganap na gas line explosion sa China nitong linggo.
Nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng umaga sa isang residential compound sa Shiyan City sa Hubei.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations at hindi pa malinaw kung ilang tao ang maaaring na-trap sa ilalim ng debris.
Patuloy ding iniimbestigahan ang pinagmulan ng pagsabog. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico