Aabot sa 12 kongresista ang kabilang sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sinasabing sangkot sa kurapsyon.
Ayon kay PACC Head Greco Belgica ang naturang mga mambabatas na hindi niya muna pinangalanan ay dapat na maharap sa pormal na imbestigasyon.
Naisumite na aniya ang mga pangalan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumaan sa beripikasyon.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang pangangalap nila ng matibay na ebidensya na magpapatunay ng pagkakasangkot ng mga ito sa kurapsyon.
Ang mga mambabatas umanong ito ay nauugnay sa ilang maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).