Nasa low risk classification ng COVID-19 ang 12 lugar sa Visayas at Mindanao.
Ito ang inihayag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kabilang ang Bacolod, Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue, Ormoc, Tacloban, Butuan, Cotabato City, Davao City, General Santos, Iligan at Zamboanga City.
Habang nasa very low risk category naman ang reproduction rate sa mga naturang mga lugar habang low risk naman sa healthcare utilization rate ang mga ito maliban sa Tacloban at Cotabato City.
Bagama’t nananatiling nasa “moderate” classification ang one-week Average Daily Attack rate (ADAR) ng Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue, Davao City, Iloilo, at Cagayan De Oro, ay mataas pa rin ang positivity rate ng Ormoc, General Santos, at Iligan. -sa panulat ni Abigail Malanday