Labing dalawa (12) lungsod sa Metro Manila ang kabilang sa top 15 na lugar na kinakitaan ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa OCTA Research ang mga lungsod na ito ay ang Quezon City, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Taguig, Caloocan, Pasig, Malabon, Valenzuela, Marikina at Navotas.
Binigyang diin ng OCTA na ang Metro Manila kung saan maituturing nang nasa “high risk”, ay mayroong averaged na 1, 546 na naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa mga nakalipas na linggo.
Samantala, ang mga lungsod ng Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu province ang kumumpleto sa top 15 ng OCTA Research.